Ang
Silangang Europa ay ang silangang bahagi ng
kontinente ng
Europa. Ang kataga ay mayroong malawak na pagkakaiba sa pag-unawang heopolitiko,
pangheograpiya,
pangkultura, at pangsosyoekonomiya, kung kaya't nakabatay ito sa diwa at may katangiang pabagu-bago. Isang kahulugan ang naglalarawan na ang Silangang Europa ay isang
entidad na
makakultura at etno-kultural: bilang isang rehiyong nakalagay sa Europa na ang pangunahing mga katangian ay binubuo ng mga impluwensiyang
Bisantino,
Kristiyanismong Pangsilangan (Ortodoks) at ng maliit at may limitasyon na impluwensiyang
Ottoman. Isa pang kahulugan ang isinasang-alang-alang ng ilang mga may-akda bilang hindi na napapanahon, ay nalikha noong panahon ng
Digmaang Malamig at ginagamit, humigit-kumulang, bilang katumbas ng katagang
Bloke ng Silangan. Isang kahalintulad na kahulugan ang nagpangalan sa dating mga estadong
komunista sa Europa na nasa labas ng
Unyong Sobyet bilang "Silangang Europa".