Simbahan ng Obando


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Simbahan ng Obando
Ang Simbahan ng Obando (kilala rin bilang Parokyang Simbahan ng San Pascual ng (de) Baylon ) ay isa sa mga pinakamatanda at pinakamakasaysang simbahan sa Pilipinas. Matatagpuan ang parokya nito sa bayan ng Obando sa lalawigan ng Bulakan, sa pulo ng Luzon. Itinayo ng mga misyonerong Pransiskano, sa ilalim ng watawat ng Espanya, isa itong pook na ginaganapan ng taunang may tatlong-araw na pagsasayaw sa Obando, bilang pagbibigay pugay at papuri sa tatlong pintakasing santo nito: San Pascual Baylon, Santa Clara ng Assisi at ang Ina ng Salambaw, isang pagdiriwang na binanggit ni Jose Rizal, ang bayaning pambansa ng Pilipinas, sa mga pahina ng kaniyang nobelang nasa wikang Kastila, ang Noli Me Tangere (sa Kabanata 6: Kapitan Tiyago). Tuwing buwan ng Mayo, isinasagaw ng mga parokyano at ibang mga deboto ang tatlong-araw na Sayaw sa Obando (dating kilala bilang Kasilonawan) sa loob ng simbahan, na sinusundang ng isang prusisyon sa kalye.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.