Ang
Basilika Menor ng Itim na Nazareno, na kilala rin bilang
Parokya ni San Juan Bautista at impormal na kilala bilang
Simbahan ng Quiapo ay isang kilalang Simbahang Katoliko Romano Ritong Latin na Basilika na matatagpuan sa Distrito ng
Quiapo,
Maynila,
Pilipinas. Ang simbahang ito ay kinikilala dahil dito nakalagak ang imahen ng
Itim na Nazareno, isang maitim na imahen ng Panginoong Jesukristo kung saan maraming mga namamanata ay natupad sa mapaghimalang kapangyarihan. Ang parokyang ito ay kinabibilangan ng Arkidiyosesis ng Maynila at ito'y kasalukuyang pinamamahalaan, ang Rektor at Kura Paroko na si Reb. Msgr. Jose Clemente Ignacio, P.C.