Ang
Simbahang Ortodokso ng Silangan (Ingles:
Eastern Orthodox Church) na opisyal na tinatawag na
Simbahang Katolikong Ortodokso (Ingles:
Orthodox Catholic Church at karaniwang tinutukoy bilang
Simbahang Ortodokso (Ingles:
Orthodox Church), ang ikalawang pinakamalaking simbahan o Iglesiang
Kristiyano sa buong mundo na may tinatayang 300 milyong mga deboto na ang pangunahing mga bansa ay ang
Belarus,
Bulgaria,
Cyprus,
Georgia,
Greece,
Macedonia,
Moldova,
Montenegro,
Romania,
Russia,
Serbia, at
Ukraine na ang lahat pangunahing Silangang Ortodokso. Ang sektang ito ay nagtuturo na ito ang Isa, Banal, Katoliko at Apostolikong Iglesia na itinatag ni
Hesus at ng kanyang mga
apostol mga 2,000 libong taon na ang nakalilipas.