Ang
Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng
Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng
Kapaskuhan. Tinatawag din itong
Misa-de-galyo (mula sa Kastilang
Misa de Gallo, o "misa ng
tandang", sapagkat sa pagtilaok ng lalaking manok, magsisibangon na ang mga mag-anak para makinig ng misa sa pinakamalapit na simbahang pamparokya),
Misa Aginaldo (mula sa Kastilang
Misa de Aguinaldo, o "misa ng mga handog, alay o regalo"),
Misa-de-notse, o
Misa-de-noche (o "misa ng/sa gabi"). Isa itong misang idinaraos bawat madaling araw sa loob ng siyam na araw bago sumapit ang araw ng
Pasko. Nagsisimula ang pagmimisa tuwing ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 ng Disyembre, na kadalasang sinasagawa sa mga
Romano Katolikong simbahan sa Pilipinas tuwing ikaapat hanggang ikalima ng umaga. Ang
misa sa madaling araw na ito isa sa pinakamatagal na at pinakabantog na tradisyong Pilipino. Nagsisilbi rin ang misa bilang isang
nobena para sa
Birheng Maria. Bukod dito, nagsisilbi ring pagkakataon ang pagnonobena upang idalangin ang mga kahilingang nakatuon kay Hesukristo, kaugnay ng paniniwalang matutupad ang hinihingi kapag nakumpleto ang siyam na misa sa madaling-araw. Sa ibang pagkakataon, isinasagawa ring kasama ng Simbang Gabi ang panuluyan, partikular na sa pinakahuling misa, ang tunay na
Misa Aginaldo o
Misa-de-galyo.