- Huwag itong ikalito kay Simon ang Cananeo. Para sa iba pa, tingnan ang Pedro (paglilinaw) at Peter (paglilinaw).
Si
San Pedro o
Simon Pedro (
Ebreo:
שמעון פטרוס, Shim‘on Petros) ang isa sa mga orihinal na
labindalawang alagad o apostol ni
Hesus. Itinuturing din siya sa
Katolisismo bilang unang
Papa. Isa siyang mangingisda na pinangalanang
Pedro - o "bato" - ni Hesus. Sa kaniya rin binanggit ni Hesukristo ang mga katagang "Ikaw si Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ko itatayo ang aking
simbahan." Nakikilala rin siya bilang
Simon lamang o kaya
Kefas,
Cefas o
Cephas, na nangangahulugang "bato" sa
wikang Arameo, at katumbas ng
Griyegong Petros at ng
Lating Petrus. Si San Pedro ang nagsisilbing "saligang bato" ng Simbahan o Iglesyang itinayo ni Hesukristo. Kasama ni
San Pablo, isa si San Pedro sa mga
patron ng
Roma. Batay sa salaysay sa
Bagong Tipan ng
Bibliya, dating ipinagkaila ni San Pedro na nakikilala niya si Hesus, subalit napasa kay Pedro ang Diyos. Sinulat ni Pedro ang dalawa sa mga aklat na napabilang sa Bagong Tipan ng Bibliya: ang
Unang Sulat ni Pedro at
Ikalawang Sulat ni Pedro. Sa
Sulat sa mga Galata ng Bagong Tipan ng Bibliya, dinalaw ni San Pablo si San Pedro upang magbigay-galang kay Pedrong itinuturing na
Puno ng Iglesya. Kay San Pedro lamang tanging ibinigay ang "mga susi ng kaharian ng langit."