Sinaunang Herusalem


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sinaunang Herusalem
Tungkol ito sa Sinaunang Herusalem ng Bibliya, para sa pangkasalukuyang lungsod tingnan ang Herusalem.
Ang Sinaunang Herusalem o Sinaunang Herusalen ay ang pinakamahalagang lungsod sa loob ng Sinaunang Israel. Sa kapanahunan ng Bibliya, ito ang kapital o kabisera at pook na pinagtayuan ng templo ng Diyos. Tinatawag din ang Sinaunang Herusalem bilang Jebus o Hebus, Zion o Sion, Lungsod ni David, at Lungsod ng Diyos. Katulad din ng dahilan pagkakaroon ng iba't ibang pangalan ng marami pang ibang mga makabagong lungsod sa kasalukuyan ang dahilan kung bakit marami ring naging pangalan ang Sinaunang Herusalem. Nagmula ang mga tawag dito buhat sa iba't ibang mga kapanahunan sa kasaysayan, partikular na mga katangian ng lungsod, o mga pangyayari sa lungsod. Noong Panahon ng mga Hukom, tinawag na Jebus o Hebus ang lungsod ng Herusalem dahil nasa ilalim ito ng kapangyarihan ng mga Jebuseo (o Hebuseo; mga Jebusite sa Ingles). Kaugnay ng katawagang Sion o Zion, dating isa lamang itong pangalan ng isang tagaytay o gulod na malapit sa Lambak ng Kidron ng Herusalem, ngunit lumaong naging kasingkahulugan na ng buong Lungsod ng Herusalem. Naging bantog ang bansag na Lungsod ni David noong panahon ni Haring David at maging pagkaraan ng kapanahunan ng paghahari niya. Sa Bibliya, tinatawag din ang Sinaunang Herusalem bilang Lungsod na Mahal.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.