Ang
sinaunang Malapit na Silangan (Ingles:
ancient Near East) ay ang tahanan ng mga sinaunang
kabihasnan sa loob ng rehiyon na tumutugon sa modernong
Gitnang Silangan(Middle East). Ang mga sinaunang kabihasnan o bansang ito ang
Mesopotamia (modernong
Iraq, timog silangang
Turkey at hilagang silangang
Syria),
sinaunang Ehipto, sinaunang Iran (
Elam,
Media, Parthia at Persia),
Anatolia/
Asia Menor (modernong
Turkey),
Levant (modernong
Syria,
Lebanon,
Israel,
Palestine at
Jordan),
Malta at
Peninsulang Arabiano. Ang sinaunang malapit na silangan ay pinag-aaralan sa mga larangan ng arkeolohiya ng malapit na silangan at ng
sinaunang kasaysayan. Ito ay nagsimula sa paglitaw ng
Sumer noong 4000 BCEE bagaman ang petsa ng wakas nito ay iba-iba mula sa
panahong Tanso at
panahong Bakal hanggang sa pananakop ng
Imperyong Achaemenid noong ika-anim na siglo BCEE o ni
Alexander the Great noong ikaapat na siglo BCEE. Ang sinaunang malapit na silangan ay itinuturing na duyan ng kabihasnan. Ito ang una na nagsanay ng intensibong taunang
agrikultura, nagbigay sa ibang panig ng daigdig ng unang sistema ng pagsulat, nag-imbento ng gulong ng magpapalayok at gulong ng sasakyan at gilingan, lumikha ng mga unang sentralisadong pamahalaan, mga batas kodigo at mga
imperyo gayundin ang nagpakilala ng stratipikasyong panlipunan,
pang-aalipin at organisadong digmaan. Ito ang naglatag ng pundasyon ng mga larangan ng
astronomiya at
matematika.