Ang
sinehan ay isang lugar, na karaniwang isang gusali, para sa panonood ng mga
pelikula. Ang karamihan, ngunit hindi lahat, ng mga sinehan ay mga operasyong pangkomersiyo o pangnegosyo na naglilingkod sa pangkalahatan ng madla, na dumadalo sa pamamagitan ng pagbili ng isang tiket. Ang pelikula ay ipinapakita o ipinapalabas sa pamamagitan ngisang aparato ng sine o prodyektor ng pelikula na makikita sa ibabaw ng isang malaking tudlaang panooran na nasa harapan ng isang
awditoryum. Karamihan sa mga
tanghalang pampelikula ay mayroon na ngayong mga dihital na prodyeksiyong pangsine, na nagtatanggal na pangangailangan na lumikha at magbiyahe ng isang pisikal na inilimbag na pelikula.