Ang
singaw (Ingles:
mouth sore,
mouth ulcer,
oral ulcer,
mucosal ulcer) ay isang uri ng kalagayan ng pagkakaroon ng sugat at paghapdi sa alin mang bahagi ng
bibig, katulad ng
gilagid, likuran ng mga
labi, at
dila. Ang sugat na singaw ay mayroong bilog na hugis at bahagyang pailalim ang pagkabilog, at may puting kulay. Itinuturing ang pagkakaroon ng singaw bilang isang likas na kaganapan sapagkat kusa itong nawawala kapag ginawa ang tamang mga pamamaraan ng paglunas dito.