Sion


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sion
Ang Sion (Ingles: Zion) ay isang burol na nasa loob ng lungsod ng Sinaunang Herusalem. Dito sa maliit na bundok na ito itinatag ng mga Hudyo ang templo ng Diyos. Ngunit bago pa man ito naging katawagan para sa isang burol na kinatatayuan ng templo ng Diyos, orihinal itong isang designasyon o itinalagang katawagan para sa Lungsod ni David, na isang Hebusitong malakas na kampong nasakop ng mga puwersa ni Haring David ng Bibliya. Kung minsan, tumutukoy rin ang Sion o ang katagang Anak na Babae ng Sion sa buong lungsod ng Herusalem, at nagiging katawagan din para sa mga tao ng Diyos. Tumutukoy din ito sa mga Hudyo o mga may kaugnay sa mga ito, sa Israel, sa isang pook na may katapatan sa Diyos, sa isang utopya o pamayanan o lugar na kaaya-aya.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.