Ang
Somalilandiya (Somali:
Soomaaliland) ay isang malayang bansa sa hilagang-kanlurang ng rehiyon ng
Somalia sa
Sungay ng Aprika. Ito ang dating kolonya ng
Dakilang Britanya na kinilala bilang
Britanikong Somalilandiya hanggang sa Hunyo 26, 1960 kung kailan ito ay naging malaya bilang
Estado ng Somalilandiya'. Noong Hulyo 1, 1960, nakipagsanib ito sa Italyanong Somalilandiya para magawa ang bansang
Somalya. Hindi nagtagal ang pagsasanib na ito kaya noong Mayo18, 1991, matapos wasakin ng digmaan ang bansang Somalya, ay humiwalay ang Somalilandiya a idineklara ng mga tao sa Somaliland ang malayang
Republika ng Somalilandiya na kinabibilangan ng labing-walong administratibong mga rehiyon sa Somalia. Pinalilibutan ito ng
Ethiopia,
Djibouti ,
Golpo ng Aden at ang teritoryo ng Puntlandiya. May sukat itong 137,600 kilometro kuadrado (53,128 sq mi). Hargeisa ang kabisera.