Tungkol ang artikolong ito sa lalawigan. Para sa lungsod, tingnan Lungsod ng Sorsogon.
Ang Sorsogon ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyongBicol sa Luzon. Lungsod ng Sorsogon ang kapital nito at napapaligiran ng lalawigan ng Albay sa hilaga. Nasa dulo ang Sorsogon ng Tanway ng Bicol at nakaharap sa pulo ng Samar sa timog-silangan sa ibayo ng Kipot ng San Bernardino.