Ang Komunikasyong pasalita ay isang programa na nasasakupan ng Departamento ng Pasalitang Komunikasyon at Teatro sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Quezon City. Ito ay kilala sa ibang bansa ngunit di gaanong popular sa mga kolehiyo at unibersidad dito sa Pilipinas. Dito lamang din sa unibersidad na ito inaalok ang nasabing programa.