Ang
Spoliarium ay ipininta ng kilalang mahusay na pintor na si
Juan Luna. Ang Spoliarium ay ipinasa ni Juan Luna sa
Exposición Nacional de Bellas Artes noong
1884, kung saan ito ay pinarangalan ng gintong medalya. Noong 1886, ito ay ipinagbili sa
Diputación Provincial de Barcelona sa halagang 20,000
pesetas. Ito ay kasalukuyang nakasabit o nakalagay sa main gallery ng unang palapag ng
Pambansang Museo ng Pilipinas.