Ang
estoisismo ay ang hindi pag-inda sa ligaya at dusa o sakit. Sa ganitong kalagayan, may katapangan o kahandaan ang pag-iisip upang magtiis ng hirap at pasakit. Ito ay isang paaralan ng Helenistikong pilosopiyang itinatag sa
Atenas ng pilosopong si
Seno ng Sitium noong kaagahan ng ikatlong daang taon BK. Tumutuon ito sa masiglang ugnayan sa pagitan ng kosmikong
determinismo at kalayaang pampilosopiya ng tao, at maging sa paniniwalang mas mainam ang magpanatili ng
prohairesis o kagustuhan (determinasyon) na nakaayon sa kalikasan. Tinatawag na mga
estoiko ang mga sumusunod sa pagtuturo ni Seno ng Sitium. Ayon sa turo ni Seno ng Sitium, matatagpuan ang
kaligayahan sa pamamagitan ng kawalan ng kasarapan at
hapdi.