Ang mga
sulat ay mga aklat na bahagi ng
Bagong Tipan ng
Bibliya. Matatagpuan ang mga
liham na ito pagkaraan ng
Aklat ng mga Gawa ng mga Alagad. Sapagkat inakdaan ng mga naunang pinuno ng
Simbahang Kristiyano, may layunin ang mga sulat na ito na makapagbigay ng mga gabay o patnubay sa gawi kung paano mamuhay bilang tunay na
Kristiyano. Bumubuo ang pangkat ng mga liham na ito sa ikalawang pangunahing kahatian ng Bagong Tipan ng Bibliya.