Ang
Sumatra (binabaybay ding
Sumatera) ay isang
pulo sa kanlurang
Indonesia, pinakakanluran sa Mga Pulo ng Sunda. Ito ang pinakamalaking pulo sa Indonesia (kabahagi ang dalawang mas malalaking pulo, ang
Borneo at Bagong Guinea, ng Indonesia at ibang mga bansa), at ang ikaanim na pinakamalaking pulo sa buong mundo (tinatayang 470,000 km²).