Ang
Kaharian ng Sweden (Suwesya;
Suweko:
Konungariket Sverige;
Ingles:
Kingdom of Sweden) ay isang bansang Nordiko sa
Eskandinabya, sa Hilagang
Europa. Ito ay napalilibutan ng
Norway sa kanluran,
Finland sa hilagang silangan, ng Kipot ng Skagerrak at Kipot ng Kattegat sa timog kanluran at ng
Dagat Baltiko at Gulpo ng Bothnia sa silangan. Ang Sweden ay may mababang densidád ng populasyon sa lahat ng kaniyang mga metropolitan area.