Ang
buhong o
bandido (Ingles:
outlaw,
bandit,
fugitive,
runaway) ay isang tao na "nasa labas ng
batas" na sa pangkaraniwan ay dahil sa siya ay nakagawa ng seryosong mga
krimen. Ang buhong ay maaaring maging katumbas ng mga salitang
tulisan,
manliligalig,
kriminal,
manlalabag ng batas, o
manghaharang. Ang isang matagal nang kriminal ay maaaring ipahayag na isang
buhong, na ang ibig sabihin ay ang taong lumabag ng batas ay hindi makakagamit ng sistemang legal o sistema ng batas upang pruteksiyunan ang kaniyang sarili kapag kailangan.