Ang Tangway ng Iberia (Ingles: Iberian Peninsula) ay matatagpuan sa pinakatimog-kanlurang dako ng Europa at kinalalagyan ng mga bansang Portugal, Espanya, Andorra, Teritoryong Britaniko ng Gibraltar at ng isang maliit na kapiraso ng Pransya. Ang timog nito ay halos kadikit ng hilagang baybay ng kontinente ng Aprika, pinaghihiwalay lamang ng Kipot ng Gibraltar.