- Huwag ikalito sa tansong dilaw.
Ang
tansong pula (Ingles:
bronze) ay isang
haluang metal na pangunahing binubuo ng
tanso, na karaniwang may
lata bilang pangunahing kasama. Matigas ang tansong pula at malutong o madaling mabasag, at partikular itong mahalaga noong unang panahon, kung kaya't gayon ang
Panahon ng Tansong Pula ay pinangalanan mula sa metal na ito. Subalit dahil sa ang
bronse ay tila isang hindi tiyak na kataga, at ang pangkasaysayang mga piraso ay may samu't saring mga kahaluan o pagkakahalo, partikular na ang isang hindi malinaw na kahangganan ng
tanso, kung kaya't, bilang panghalip o panghalili, ang makabagong mga paglalarawang pangmuseo at pangdalubhasa ng mas lumang mga bagay ay mas dumadaming gumagamit ng mas maingat at nagbibilang (nagsasama) na katagang "haluang tanso".