Ang Formosa ( mula sa na ibig sabihin "(pulong) maganda"), kilala rin bilang Taiwan ( kasaysayan ), ay ang pinakamalaking pulo sa Republika ng Tsina (Republic of China; ROC) sa Silangang Asya. Matatagpuan ang Taiwan sa silangan ng Kipot ng Taiwan, sa dakong timog-silangang baybayin ng Punong-lupain ng Tsina. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, pangkat ng mga pulo ay sumailalim sa pamamahala ng Republika ng Tsina.