Ang
Teoriyang pangkalahatang relatibidad o
pangkalahatang relatibidad (sa Ingles ay general theory of relativity o general relativity) ay ang
heometrikong teoriya ng
grabitasyon na inilathala ni
Albert Einstein noong 1916. Ang teoriyang ito ay inilalarawan ng
mga ekwasyong field ni Einstein. Ito ang
teoriya na sa kasalukuyang panahon(2011) ay tinatanggap ng nakakarami sa pamayanang siyentipiko(scientific community) na tamang paliwanag ng
grabidad dahil ang mga prediksiyon ng teoriyang ito ay nakumpirma ng lahat ng mga obserbasyon at eksperimento na ginawa ng mga siyentista o siyentipiko. Bukod dito, ang teoriyang ito ang basehan ng kasalukuyang kosmolohikal na model ng paglawig ng
uniberso na mas kilala sa tawag na
big bang. Isa rin sa prediksiyon ng teoriyang ito ang pag-iral ng mga
itim na mga butas(black holes) o mga rehiyon sa espasyo-panahon na bumaluktot na wala kahit liwanag ay maaring makatakas dito.