Ang
sistemang tatlong dominyo o
three-domain system ay isang
klasipikasyong biyolohikal na ipinakilala ni Carl Woese noong 1977 na hahati ng mga anyong pang-
selula sa dominyong
archaea,
bacteria, at
eukaryote. Sa partikular, ito ay nagbibigay diin sa paghihiwalay ng mga
prokaryote sa mga dalawang pangkat na tinatawag na
Eubacteria (ngayong
Bacteria) at
Archaebacteria (ngayong
Archaea). Ikinatwiran ni Woese sa basehan ng mga pagkakaiba sa mga gene na 16S rRNA na ang mga dalawang pangkat na ito at ang mga eukaryote ay bawat isang lumitaw nang hiwalay mula sa ninuno na may mababang uring makinarya ng pag-unlad na henetiko na tinatawag na progenote. Upang isalamin ang mga pangunahing linya ng pinagmulan, kanyang tinrato ang bawat isa bilang sakop na hinati sa ilang mga kaharian. Sa simula ay ginamit ni Woese ang terminong kaharian upang tukuyin ang tatlong mga pangunahing pagpapangkat na pilohenetiko na ngayong tinutukoy na mga dominyo(domains) hanggang sa ang kalaunang termino ay inimbento noong 1990.