Si
Zeus (
Sinaunang Griyego: Ζεύς,
Zefs, Zeús; Δίας,
Diós, "banal na hari") ay ang pinuno ng mga diyos at ang diyos ng kalangitan at ng kulog sa
mitolohiyang Griyego. Siya ang nangingibabaw, pinakamakapangyarihan, pinakamataas, o supremong diyos ng sinaunang mga Griyego. Ginagamit niyang sandata ang
kidlat na may kasamang malakas na
kulog, kaya't kilala rin siya bilang "Zeus ang Tagapagkulog" (
Zeus the Thunderer). Sa pamamagitan ng kidlat at kulog, napamunuan niya ang iba pang mga diyos upang makamit ang tagumpay laban sa mga
higanteng nagnais na kuhanin mula sa Olimpiyanong mga diyos at diyosa ang pagtaban at pangingibabaw sa daigdig. Partikular na ginagamit din ni Zeus ang kanyang sandatang kidlat at kulog sa tuwinang magagalit. Kilala siya sa
mitolohiyang Romano bilang
Hupiter (
Jupiter). Sa
mitolohiyang Etruskano, siya si
Tinia.