- Para sa mga ibang gamit ng salita, tingnan ang Lata (paglilinaw).
Ang
lata,
estanyo o
tin (,
Ingles:
tin,
Cebuano:
tansan) ay isang elementong kemikal na may sagisag na
Sn (
Latin:
Stannum) at may numero atomikong 50. Kabilang ito sa pangunahing pangkat na metal sa pangkat 14 ng periodiko ng mga elemento. Ang tansan ay nagpapakita ng pagkakatulad sa mga katabi nitong mga metal sa pangkat 14 na hermanyo at
tingga, gaya ng estado nito sa pag-ooksihena na +2 at +4. Ito ang ay ang pang-ika-49 sa dami sa kalikasan, at sa 10 buong/matibay na isotopyo, ito ang may pinakamalaking numero ng buong/matibay na isotopyo sa lahat ng kilalang elemento. Nagmumula ang lata sa
mineral na
cassiterite, kung saan ito ay tansang di-oksinada, SnO.