Sa
mitolohiyang Griyego, ang mga
Titano (
Griyego: -
Ti-tan; maramihan: -
Ti-tânes), ay ang mga mas matatanda o mas nauna o sinaunang mga uri ng mga
bathala o
diyos. Kabilang sa mga orihinal na Labindalawang mga Titano ang mga inanak o anak nina
Gaia at
Uranos. Isa silang lipi, rasa, o lahi ng makapangyarihan o malalakas na mga diyos na naghari sa panahon ng maalamat na Gintong Panahon. Napawi ang gampanin nila bilang Nakatatandang mga Diyos ng isang lahi ng mas nakababatang mga diyos na kilala bilang
Labindalawang mga Olimpiyano, na naging sanhi ng pagkakaroon ng mitolohikal na paradimong pagbabagong maaaring hiniram ng mga Griyego mula sa Sinaunang (pook na) Malapit sa Silangan. Sa paglaon, nakipaglaban sila sa mas bagong Labindalawang mga Olimpiyano, ngunit nabigo sa pakikipagtunggaling ito. Dahil dito, nagkaroon ng kapangyarihan at lakas ang mga Olimpiyanong ito, at naging mahahalaga. Marami sa mga Titano ang nailagay sa Tartaros sa Griyegong
Mundong Ilalim.