Ang , opisyal na tinatawag na
Prepektura ng Tokyo o , ay isa sa 47
prepektura ng
Hapon, at nagsisilbi bilang kabisera ng buong bansa. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng pangunahing pulo ng
Honshu at kasama ang mga kapuluang Izu at Osagawara. Ang Kalakhang Tokyo ay nabuo noong 1943 mula sa pagsasama ng dating Prepektura ng Tokyo (Tokyo-
fu) at ng Lungsod ng Tokyo. Pinamamahalaan ng pamahalaan ng Kalakhang Tokyo ang dalawampu't tatlong mga natatanging purok ng Tokyo, ang bawat isa ay pinamamahalaan bilang isang lungsod, na sumasakop sa dating lungsod ng Tokyo at pati ang 39 mga bayan sa kanlurang bahaig ng prepektura at ang dalawang pangkat ng mga pulo.