Ang
trigonometriya o
trigonometrya (mula sa
Griyego trigonon "tatsulok" +
metron "sukat") o
tatsihaan ay isang sangay ng
matematika na isang pag-aaral ng mga
tatsulok, partikular iyong mga tatsulok na plano (
plane) na may sulok na 90 digri (right triangle o tamang tasulok) at ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga gilid at ang ang mga
anggulo ng mga gilid na ito. Ang trigonometriya ay naglalarawan din ng mga
punsiyon na trigonometriko na ginagamit sa pagmomodelo o pag-unawa ng mga siklikal(paulit ulit) na mga penomena sa kalikasan gaya ng mga
alon(waves). Ang trigonometriya ay nabuo noong ikatlong siglo BCE bilang sangay ng
heometriya at ito'y malawakang ginamit sa pag-aaral ng
astronomiya. Ito rin ang pundasyon ng pagsusukat(surveying). Ang trigonometriya ay karaniwang itinuturo sa mga estudyante ng hayskul.