- Para sa ibang gamit ng salitang Trinidad, tingnan Trinidad (paglilinaw)
Ang
Republika ng Trinidad at Tobago ay isang bansang matatagpuan sa katimugang
Dagat Karibe, mga 11 kilometro (7 milya) sa labas ng pampang ng
Benesuwela. Isang estadong
kapuluan na binubuo ng dalawang pangunahing mga pulo,
Trinidad at Tobago, at 21 maliliit na mga pulo, kabilang ang mga mahahalagang pulo ng Chacachacare, Monos, Huevos, Gaspar Grande (o Gasparee), Munting Tobago at ang Pulo ni San Egidio (Saint Giles Island).