Tubo (ekonomika)


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Tubo (ekonomika)
Sa neoklasikong teoriyang mikroekonomika, ang terminong tubo, kita, o kinita (Ingles: profit) ay may dalawang magkaugnay ngunit natatanging mga kahulugan. Ang normal na tubo ay kumakatawan sa kabuuang mga gastos ng oportunidad(parehong hayagan at hindi hayagan) ng isang pakikipagsapalaran sa isang imbestor (namumuhunan) samantalang ang ekonomikong tubo ay kahit papaano sa ekonomikang neoklasiko na nananaig na modernong ekonomika ang pagkakaiba sa pagitan ng kabuuang kita (revenue) ng isang negosyo at lahat ng mga gastos (kabilang ang normal na tubo). Ang isang kaugnay na konsepto na minsang itinuturing na ka-sinonimo sa ilang mga konteksto ang sa rentang ekonomiko. Sa ekonomikang klasiko at ekonomikang Marxiano, ang tubo ang pagbabalik sa may ari ng kapital na stock (mga paraan ng produksiyon) sa anumang pagpupursiging produktibo na sumasangkot sa trabaho o isang pagbabalik sa mga bono at salaping pinuhunan sa mga pamilihang kapital. Spesipiko sa teoriyang ekonomikang Marxian, ang maksimisayon ng tubo at ang akumulasyon ng kapital ang nagpapatakbong pwersa sa likod ng isang gawaing ekonomiko sa loob ng mga sistemang ekonomiko ng kapitalista. Ang ilang mga uri ng tubo ay nireperensiya kabilang ang tubong panlipunan(na kaugnay ng mga eksternalidad). Ito ay hindi dapat ikalita sa tubo sa akawnting na katumbas ng kita na binawasan lamang ng mga hayagang gastos at supertubo na isang konsepto sa teoriyang ekonomikang Marxian. Ang tubo ay hindi ka-sinonomio ng mga konsepto ng pagiging matubo at ang motibong tubo .

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.