Ang
Punsiyon o
punsyon (Ingle:
function) o
tungkulin sa
matematika, ay nag-uugnay ng isang bilang o input (binibigay na bilang) na argumento ng punsyon, sa halaga ng kalalabasang halaga o
output. Ang punsyon ay nagtatakda lamang ng isang kinalalabasan na output sa isang ipinasok na halaga o
input. Ang halaga ng isang punsiyong
f na may argumentong
x ay tinutukoy ng
f(
x) at binabasang "
f ng
x". Ang isang halimbawa ang
f(
x) = 2
x kung saan ang punsiyong
f ay nag-uugnay ng input na
x sa bilang na dalawang beses na kasing laki nito. Kung ang
x = 5, kung gayon ang
f(
x) = 10.