Tutankhamun


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Tutankhamun
Si Tutankhamun (minsa'y Tutenkh-, -amen, -amon), Ehipto (1341 BCE – 1323 BCE) ay isang paraon ng Ika-18 dinastiya (nanungkulan 1333 BCE – 1324 BCE sa mas tinatanggap na kronolohiya), noong panahon ng Kasaysayan ng Ehipto na kilala bilan Bagong Kaharian. Ang kanyang orihinal na pangalan, Tutankhaten,ay nangangahulugang "Buhay na larawan ni Aten", samantalang ang Tutankhamun ay "Buhay na larawan ni Amun." Sa hyeroglipo ang pangalang Tutankhamun ay kalimitang sinusulat na Amen-tut-ankh, dahil sa nakasanayang na naglalagay ng banal na pangalan sa unahan ng kataga para magpakita ngtamang paggalang. Maaaring siya rin ang Nibhurrereya sa Amarna letters. Malaki rin ang posibilidad na siya rin ang haring 'Rathotis' ng Ika-18 na dinastiya na ayon kay Manetho ay nanungkulan nang siyam na taon — bagay na katulad din ng bersyon ni Flavius Josephus' ng Epitomo ng Manetho.. Noong 2010, ang analysis ng DNA ay naghayag na anak ng paraon na si Akhenaten si Tutankhamun sa isa sa mga biolohikal na kapatid na babae ni Akhenaten na si Ang Mas Batang Babaeng mummy. Ang kanyang libingan ay natuklasan noong 1922 nina Howard Carter at George Herbert na ikalimang Earl ng Carnarvon.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.