Ang
Tuvalu ay isang pulong bansa na matatagpuan sa
Karagatang Pasipiko, nasa kalahati ito ng paglalakbay sa pagitan ng
Hawaii at
Australia. Nangangahulugang "Walong Nakatayong Magkasama" ang pangalan nito sa wikang Tuvalu. Maliban sa maliit na
Lungsod ng Vatican, ito ang bansang may pinakakaunting populasyon. Hinggil sa mababang elebasyon (5 metro, o 14 talampakan ang pinakamataas), nababahala ang mga pulo sa hinaharap na pagtaas ng lebel ng dagat. Maaaring lumikas ang mga nakatira dito sa mga susunod na mga dekada sa
New Zealand, o
Niue, isang maliit na
pulo sa Pasipiko (may awtonomiya ngunit di-kaugnay sa New Zealand) na hindi nababahala sa pagtaas ng lebel ng dagat, ngunit nababawasan ang
populasyon.