Ang
U.P. Naming Mahal ay ang awiting pampamantasan ng
Unibersidad ng Pilipinas. Ang himig para sa awitin ay isinulat ni
Nicanor Abelardo, isang alumnus at dating guro ng Kolehiyo ng Musika sa U.P. Si Abelardo ay maituturing isa sa mga pinakamagaling na musikero sa Pilipinas . Dahil ang orihinal na eskala para sa awitin ay nasa B flat major, na masyadong mataas para sa pangkaraniwang boses, ang mga propesor ng Konserbatoryo ng Musika (ngayon ay Kolehiyo ng Musika) na sina Hilarion Rubio and Tomas Aguirre ay ibinago ng himig sa G major.