Ang Nagkakaisang Kaharian ng Kalakhang Britanya at Kahilagaang Irlanda na karaniwang kilala sa katawagang United Kingdom (UK) o Britanya , ay isang malayang bansa na nakapahiwalay sa hilagang-kanluran ng Europa. Kinabibilangan nito ang mga pulo ng Kalakhang Britanya, ang hilagang-silangang bahagi ng pulo ng Irlanda, at iba pang mga maliliit na pulo sa paligid nito. Ang Kahilagaang Irlanda ang tanging bahagi ng NK na may karatig-bansa sa hangganan nito -- ang Republika ng Irlanda. Maliban dito, ang NK ay napaliligiran ng Karagatang Atlantiko sa kanluran at hilaga, Dagat Hilaga sa silangan, Bangbang Inggles sa timog, at Dagat Irlandes sa kanluran.