Ang
Kapisanang Pang-edukasyon, Pang-agham, Pangkalinangan ng mga Nagkakaisang Bansa, kilala sa Ingles bilang
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (
UNESCO) ay isang ahensya ng
Nagkakaisang mga Bansa na nangangalaga sa:
- Edukasyon: Pagkatuto at paraan ng pagkatuto ng mga tao.
- Kalinangan: Kung ano ang ginagawa ng mga taong nasa iba't ibang mga bansa, at kung ano ang mahahalaga para sa iba't ibang mga tao.
- Agham: Kung ano ang nalalaman ng mga tao tungkol sa daigdig.