Ang
ugat ng kwadrado(square root) ng isang bilang na
x ay isang bilang na
r kung saan ang
r2 =
x, o sa ibang salita ay ang bilang na
r na ang kwadrado(ang resulta ng pagmumultiplay sa sarili o
r ×
r) ay
x. Halimbawa, ang 4 ang ugat ng kwadrado ng 16 dahil ang 4
2 = 16. Ang bawat hindi negatibong real na bilang na
x ay may unikong(unique) hindi negatibong ugat ng kwadrado na tinatawag na
pangunahing ugat ng kwadrado na mailalarawan ng simbolong radikal gaya ng . Sa positibong
x, ang pangunahing ugat ng kwadrado ay maaaring isulat sa notasyong
eksponente gaya ng
x1/2. Halimbawa, ang pangunahing ugat ng kwadrado ng 9 ay 3 na mailalarawan gaya ng , dahil ang at ang 3 ay hindi negatibo. Bagaman ang pangunahing ugat na kwadarado ng positibong bilang ay isa lamang sa dalawa nitong mga ugat ng kwadrado, ang designasyong "
ang ugat ng kwadrado" ay karaniwang tumutukoy sa
pangunahing ugat ng kwadrado.