Unang Konsehong Ekumenikal


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Unang Konseho ng Nicaea
Ang Unang Konsilyo ng Nicaea ang konsilyo ng mga obispong Kristiyano na tinipon sa Nicaea sa Bythinia sa kasalukuyang Iznik, Turkey. Ito ay tinipon ng emperador ng [Imperyo Romano] ]na si Constantine I noong 325 CE. Ang unang konsilyong ekumenikal na ito ang unang pagsisikap na magkamit ng kasunduan sa simbahang Kristiyano sa pamamagitan ng asemblea na kumakatawan sa buong sangkaKristiyanuhan. Ang pangunahing mga naisakatuparan nito ang paglutas sa isyu ng Trinitarianismo ng kalikasan ni Hesus at ang kanyang relasyon sa Diyos Ama, ang paglikha ng unang bahagi ng Kredong Niseno, paglutas ng pagkwenta ng petsa ng Easter at pagpapalaganap ng maagang batas kanon.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.