Sa kasayasayan ng
Kristiyanismo, ang
Unang Pitong Konsehong Ekumenikal mula sa
Unang Konseho ng Nicaea(325 CE) hanggang sa
Ikalawang Konseho ng Nicaea(787 CE) ay kumakatawan sa pagtatangka ng pag-abot sa isang kasunduang
ortodoksiya at upang itatag ang isang nagkakaisang sangkakristiyanuhan(christendom) bilang estadong simbahan ng Imperyong Romano. Ang
Silangang Ortodokso,
Romano Katolisismo, at
Anglikano ay lahat nag-aangkin na ang kanilang kaparian ay bumabakas sa
paghaliling apostoliko pabalik sa yugtong ito at sa sinaunang yugtong tinatawag na Sinaunang Kristiyanismo. Gayunpaman, ang mga pagkakasira ng pagkakaisa na umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyan ay nangyari kahit sa yugtong ito. Tinatanggap ng Assyrian Church of the East ang unang dalawang konseho ngunit itinatakwil ang ikatlo, ang
Unang Konseho ng Efeso(431 CE). Ang
Konsehong Quinisext(692 CE) na nagtangkang itatag ang Pentarkiya at pangkalahatang hindi itinuturing na isa sa unang pitong konsehong ekumenikal ay hindi tinatangap ng Romano Katoliko na tumuturing rin na marami pang mga konsehong ekumenikal pagkatapos ng unang pitong ito. Ang panahong ito ay nagsisimula sa Unang Konseho ng Nicaea na naghayag ng
Kredong Nicene na nasa orihinal na anyo nito at bilang binago ng Unang Konseho ng Constanstinople noong 381 ay nakikita bilang sukatan ng
ortodoksiya sa doktrina ng
Trinidad. Sa puntong ito, bagaman ang mga emperador ay tumigil nang tumira sa Romano, ang simbahan sa siyudad ay nakikita bilang una sa mga iglesia Noong 330, itinatag ni Constantine ang kanyang "Bagong Roma" na naging
Constantinople sa
Silangang Imperyong Romano. Ang lahat ng mga pitong konseho ay idinaos sa Silangan sa Anatolia at Constantinople.