- Tungkol ito sa unang Rebolusyon sa EDSA, para sa ikalawa tingnan ang Ikalawang Rebolusyon sa EDSA.
Ang
Himagsikan ng Lakas ng Bayan (
Ingles:
People Power Revolution), na tinatawag ding
Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa
Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni
Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si
Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni
Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni
Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni
Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa
Kalakhang Maynila.