Ang
Unibersidad ng Pilipinas (
Ingles:
University of the Philippines, dinadaglat bilang
UP), minsan ring
Pamantasan ng Pilipinas, ay ang
pambansang pamantasan ng
Pilipinas. Itinatag noong 1908 sa bisa ng Batas Blg. 1870 ng unang Asemblea Pilipina, na kilala bilang "University Act" mula sa autoridad ng
Estados Unidos, inilalaan ng Unibersidad ang edukasyong antas-dalubhasa sa halos lahat na larangan, mula sa
batas,
medisina,
inhinyeriya,
agham pampulitika at ibang mga
agham panlipunan hanggang sa
narsing,
kalusugang pampubliko, mga
likas na agham,
pagsasaka at mga
araling pantao. 'Di tulad sa ibang mga pamantasan, ang UP ay ang nag-iisang pamantasan sa Pilipinas na gumagamit ng salitang "unibersidad" sa opisyal na salin ng pangalan nito sa
Filipino.