Ang
Unikodigo ay isang pamantayan para sa mga
kompyuter upang magawa silang makapagpakita ng mga teksto sa iba't ibang mga
wika. Ang mga pamantayan ng unikodigo ay nilikha ng Unicode Consortium (Unicode, Inc.). Layunin nilang palitan ang pangkasalukuyang mga pamantayan sa pag-eenkodigo o pagsasakodigo ng mga karakter na may isang pang-isahang pangbuong mundong pamantayan para sa lahat ng mga wika. Mayroon halos 100,000 mga karakter sa pinakabagong kahulugan ng Unikodigo.