Ang Republika ng Vanuatu ay isang pulong bansa na matatagpuan sa Timog Karagatang Pasipiko. Isa itong kapuluan na matatagpuan sa 1,750 km silangan ng Australia, 500 km hilaga-silangan ng New Caledonia, kanluran ng Fiji at timog ng Kapuluang Solomon. Ipinangalan ito na New Hebrides noong panahon ng kolonyanismo.