Ang
Aklat ng Levitico o
Leviticus mula sa Griyegong Λευιτικός,
Leuitikos, na nangangahulugang "nauugnay sa mga
Levita" ang ikatlong aklat ng
Bibliya. Ito rin ang pangatlong aklat ng
Torah o
Pentateuch. Ang pangalang Ingles nito ay nagmula sa Latin na
Leviticus na kinuha naman mula sa salitang Griyego at isang reperensiya sa mga
Levita na liping pinagkuhanan ng mga saserdote(priests). Sa karagadagan ng mga instruksiyon para sa mga saserdoteng ito, ito ay umuukol rin sa papel at mga katungkulan ng laity.