Si
Publius Vergilius Maro (
Oktubre 15, 70 BKE–19 BKE) ay isang
Romanong makata sa
Latin, ang may-akda ng
Ecloga,
Georgica, at ng
Aeneis. Siya ang pinakamahalagang makata ng panitikang Latin. Isang
epikong tula ang
Aeneis na may labindalawang aklat (o bahagi), na naging pambansang epika ng
Imperyong Romano. Kilala rin siya bilang
Vergilius,
Virgilius,
Vergil, o
Virgil. Bagaman ginaya ni Vergilius si
Homer, itinuturing siyang isa sa mga magigiting na mga tagapaglikha ng panitikang Kanluranin. Bilang dagdag, hinggil sa akda niyang
Aeneis, ginawang huwaran ni Vergilius si Homer sa paggamit ng mga diyos bilang mga tauhang pang-akda, ngunit mayroong kamangha-manghang panulaan ang
Aeneis na naglalaman ng mga pininong mga parirala, kaya't napabantog at naituring na isang mahalagang gawa ng kapanahunang ginintuan ng panitikang Latin.