Ang
Viena (Aleman:
Wien; Inggles:
Vienna) ay ang kabisera ng Republika ng
Austria at isa sa mga siyam na estado ng Austria. Ang Viena ay ang pangunahing lungsod ng Austria, na may populasyon na tinatayang 1.7 milyon (2.4 milyon sa loob ng kalakhan, na mahigit sa 25% ng populasyon ng Austria), at siyang pinakamataong lungsod sa Austria, maliban sa pagiging sentrong pangkultural, pang-ekonomiya at pampulitika nito. Ito ang ika-10 pinakamalaking lungsod sa
Unyong Europeo. Ang Viena ay himpilan ng maraming mga mahahalagang organisasyong pandaigdig, tulad ng mga
Nagkakaisang Bansa at
OPEC.