Ang
Varsovia (Polako:
Warszawa; Ingles:
Warsaw) ay ang kabisera ng bansang
Polonya. Ito ay matatagpuan sa gilid ng Ilog Vistula na kulang-kulang na 260 km mula sa
Dagat Baltiko at 300 km mula sa
Kabundukang Carpatos. Ang populasyon nito noong Hunyo 2010 ay tinatayang 1.7 milyon at sa kalakhan naman nito ay humigit-kumulang na 2.6 milyong katao. Ang Varsovia ay siyang ika-9 pinakamalaking lungsod sa
Europa ayon sa populasyon.