Ang
Arabe (Arabe:
العربية, al-'arabiyyah) ang pinakamalaking kasapi ng sangay Semitiko ng pamilya ng mga wikang Aproasyatiko at malapit na kamag-anak ng
Ebreo at
Arameo. Sinasalita ito sa buong daigdig Arabe at malawakang inaaral at naaalam sa buong daigdig
Muslim. Ang Arabe ay isang wikang pampanitikan mula pa noong mga ika-6 dantaon at ang wikang panliturhiya ng Islam.